Latest Post

Today Best choice
check all new post above

Friday 16 August 2019

MGA GAMOT

MGA GAMOT



MONEY FAIRY - GMD EVA ARADILLOS

MONEY FAIRY - GMD EVA ARADILLOS


GMD PENG MENDOZA

GMD PENG MENDOZA



GMD Eva Aradillos

GMD EVA ARADILLOS STORY









Thursday 7 March 2019

Tips para Maging Successful na Student Entrepreneur


Ang mga kabataan ngayon kasama na ang mga millenials, ay mga entrepreneur na generation. Alam ng mga ito na walang yumayaman sa pagiging empleyado. Sila ang generation na kung mabibigyan ng pagkakataon ay pipiliing magnegosyo kesa maging empleyado.

Ang ilang mga nagiging balakid sa mga millenials at generation z ay ang limitasyon sa pampuhunan, kaalaman, kakayahan, at potensyal na mga babayarin pagka-graduate tulad ng utang ng pamilya. Isa na din ang takot ng pagkalugi. Karamihan sa mga start-up na negosyo ay nalulugi. Dahil na rin ito sa kakulangan sa pagpaplano at iba pang mga aspeto.
Credit Image: https://sunygcc.blog/2018/04/02/student-entrepreneurs/

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga tips para sa mga student entrepreneur na maging successful:

1. Dapat i-set sa tamang mood ang sarili.
 Kapag maganda ang mood ng isang tao, nagiging mas productive ito kumpara sa mga taong hindi maganda ang mood. Sa pag-aaral ng Principles of Management, hindi lang ang pera ang nakaka-motivate ng isang empleyado, kundi ang mga benefits na makakapag-pasaya dito. Naiaaply din ito sa mga entrepreneurs. Ang ugali ng mga entrepreneurs na hindi agad sumusuko o ang kanilang pagiging optimistic ay isang quality nila na dapat ay tularan.

2. Gumawa ng schedule.
Bilang estudyante dapat i-prioritize mo pa din ang iyong pag aaral. Mainam na gumawa ng schedule ng iyong mga gawain upang matagumpay na mapagsabayang pag-aaral at pagnenegosyo.

3. Pumili ng kursong naayon sa iyong mga goals
I-base sa iyong planong gawing tema ng iyong negosyo sa pipiliin mong kurso sa kolehiyo.
Kunwari ay nais mong gumawa ng isang mobile application, maari kang magenroll sa kursong magtuturo ng computer programming.

May new trend ngayon ng pag-aaral kung saan maari kang kumuha ng mga short courses online. Ang isang paaralan na nag-ooffer nito ay ang AMA Online University. Hanapin lang ang kanilang website sa google search at maari ka nang makakita ng kanilang contact details upang sila ay iyong matanong.

4. Gamitin ang mga free resources ng iyong school
Kung free ang wifi sa inyong paaralan ay maari mo itong gamitin upang magresearch ng para sa iyong negosyo. Maari mo rin magamit ito sa pagkakaroon ng online na negosyo ang libreng internet mula sa iyong paaralan.

5. Mag-develop ng mainam na leadership skills
Napakahalaga na alam ng iyong mga empleyado kung sino ang masusunod o in-charge. Kapag kailangan mo silang palaging paalalahanan kung sino ang boss, hindi tama ang paraan mo ng pamumuno sa iyong team.

Mainam pa din na alam mo humawak ng tao. Preparasyon na iyan sa iyo kapag ikaw na ay mag-eexpand na ng iyong negosyo.

6. Maging intern sa isang kumpanya na related sa negosyo mo
Madami kang matututunan mula sa iyong mga magiging boss. Maari ka din makagawa ng mga networks sa mga tao na nagiging ka-transaction ng iyong boss.

7. Proteksyunan ang iyong pinaghirapan
Mainam na protektahan ang iyong mga ideya at mga imbensyon. Ito ay tinatawag na intellectual property. Ang iyong intellectual properties ay maari mong iregister with patents, copyrights, trademarks o design marks. Magatos man ngunit kailangan ito upang hindi mawala ang iyong pinaghirapan.

Source:

TOP BEST LENDING APPS

POPULAR LENDING

LOW INTEREST